TV Patrol anchors must STOP citing comments and criticisms after each field report or after the program itself. After all, they are not expected to be airing their comments or opinions regarding an issue. It is highly beyond their concerns when all they have to do is to do their JOB. Nothing more, nothing less. Personal biases as well as their own insights and viewpoints must be set aside and they should be professional at all times.
They are certified icons and must set good examples. STOP those thought-provoking comments you used to have when the TV news program is about to end. Instead of splurring with rants, use those seconds to motivate and inspire Filipinos, making a great difference and impact in their lives. Viewers might be influenced with their words and might stop believing that WE could still make things right, favorable to every Juan. Let them hope, let them see greatness to every blessing they receive.
Well, if you really couldn't hold your emotions, go to the dressing room/backstage, and talk among yourselves but definitely not in public, not in National TV.
Let's stop pointing fingers to anyone especially if you think you are also liable and responsible for the outcome. Let's promote developmental journalism and be an inspiration to others. With all these things, I know and I believe that we could make it. There are no more rooms for CRABS here in the Philippines, my dear.
Let's stop pointing fingers to anyone especially if you think you are also liable and responsible for the outcome. Let's promote developmental journalism and be an inspiration to others. With all these things, I know and I believe that we could make it. There are no more rooms for CRABS here in the Philippines, my dear.
I am a journalist and I am proud to be ONE. I always try to see goodness in everything - hoping and praying that the best has yet to come. GOD is preparing something so good for all of us - and we'll all be surprised with HIS blessings!
Spread love,
Mommy Mai
________________________________________
Photo Credit: PEP.ph |
Tatlo ang naging layunin ni Pangulong Benigno "Noynoy"
Aquino III sa kanyang talumpati kagabi, ika-27 ng Hulyo, sa selebrasyon ng 25
taong TV Patrol.
Una, magbigay-pugay sa lahat ng bumubuo ng programa.
Pangalawa, ipaabot ang kanyang saloobin tungkol sa mga negatibong komento ng isang anchor sa dapat sana'y magagandang pangyayari sa kanyang termino. "Stick to the facts," ang winika ni PNoy.
Pangalawa, ipaabot ang kanyang saloobin tungkol sa mga negatibong komento ng isang anchor sa dapat sana'y magagandang pangyayari sa kanyang termino. "Stick to the facts," ang winika ni PNoy.
Pangatlo, payuhan ang mga mamahayag na maging "balanse" sa
pag-uulat at pagbibigay ng opinyon.
PNoy’s Speech – Original Text Click to view the Source.
Due Credits to: Karen A. Pagsolingan, July 28
Narito ang kabuuan ng talumpati ni Presidente Aquino:
Mr. Gabby Lopez; Mrs. Charo Santos-Concio; Ms. Ging Reyes; Senator
Frank Drilon; Senator Loren Legarda; Secretaries Mar Roxas, Greg Domingo, Ricky
Carandang; Chairman Francis Tolentino; Bangko Sentral Governor Sy Tetangco;
Mayor Alfredo Lim; Representative Sonny Angara; Commissioner Ruffy Biazon;
Commissioner Kim Henares; Chair Sixto Brillantes; past and present officials
and staff of TV Patrol and ABS-CBN; fellow workers in government; honored
guests; mga minamahal ko pong kababayan:
Magandang gabi po sa inyong lahat.
Dito po magkakaaminan: noon pong kabataan ko, wala pang ANC, wala pang
CNN, at aaminin ko po, sa totoo lang, wala pang cable TV.
Kung kailangan mo ng instant news, halimbawa, kapag may bagyo, nawalan
ng kuryente, ang tutok namin noong mga panahong iyon: Radyo Patrol.
Sa pag-usad ng panahon, mas naging moderno ang pagbabalita— ang tinig
na rumoronda sa himpapawid, nadadagdagan ng biswal na elemento.
At narito na po tayo ngayon, ipinagdiriwang ang Silver Anniversary ng
isa sa mga pinakamatibay na institusyon sa pagbabalita: Ang TV Patrol.
Sa loob ng dalawampu’t limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang
at sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino. Sa tuwing may
sakuna, naroon kayo upang magbigay ng kaalaman kung paano umiwas sa peligro at
disgrasya. Sa tuwing may agam-agam ang publiko ukol sa isyu, kayo ang takbuhan
para sa tapat na pag-uulat.
Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa, mula noon hanggang
ngayon, sa harap man o sa likod ng kamera, talaga namang pong isang mainit na
pagbati sa inyong ikadalawampu’t limang anibersaryo.
Kapag katotohanan ang pinag-uusapan, lagi kong naaalala ang isang
sikat na police drama noong ako po’y bata pa. Dragnet ang pangalan po ng
programa. At sa pagkalap ng kaalaman, ang bukambibig noong isang bida, and I
quote, “Just the facts, Ma’am.”
Hayaan po ninyo akong ilatag ang ilang facts na inihayag natin sa SONA
noong Lunes:
Five point two million sa pinakamahirap na kabahayang Pilipino ang
buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. Fact po
ito.
Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na
kakulangan sa silid-aralan. Fact na naman po ito.
Tinitiyak na po ang kalidad ng higit sa 70,000 na mga baril na
ipagkakaloob sa natitirang 45 porsyento ng ating kapulisan. Matapos po ang
prosesong ito, magkakaroon na tayo ng one-is-to-one ratio ng pulis at sa armas
na kailangan po nila sa kanilang trabaho. Fact din po ito.
Ilan lang po ito sa mga pagbabagong tinatamasa ngayon, at nakamit po
natin ito sa unang dalawang taon pa lamang ng ating pamamahala.
Nang mag-umpisa tayo bilang Pangulo, ni wala po tayong masipat na
“light at the end of the tunnel.” Ni hindi nga po kami sigurado kung may dulo
pa ang balon ng problemang ipinamana sa atin. Wala naman po sigurong
magkakaila, napakalaki na ng ipinagbago ng ating bansa. At palagay ko po naman,
fact din po iyan sa ating lahat.
Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon,
at one night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. Tingnan
po natin ang paghahayag ng inyong institusyon.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, may isang reporter kayo ang
nagbabalita sa NAIA 3. Ang sabi niya, sa puntong iyon, tumaas ng dalawampung
porsiyento ang passenger arrivals sa paliparan. Magandang balita, at higit sa
lahat, fact po iyan.
Sa kabila nito, nakuha pa pong humirit ng isang anchor n’yo at ang
sabi po niya, and I quote, “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon
malala.”
Sa loob-loob ko po, anong kinalaman ng ibinabalita sa NAIA 3 sa NAIA
1? May nagsabi po bang ayos na ayos na ang NAIA 1? Kung mayroon man ho, hindi
kami. Nakaligtaan niya atang mahigit 30 anyos na ang istrukturang ito.
Napapaisip nga po ako: ‘yung nagkomento nito, hindi ba’t anim na taon
ding tumangan sa renda ng gobyerno? Sabihin na po nating minana lang din nila
ang problema; ‘di hamak mas luma naman ang ipinamana nilang problema sa amin.
Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong
inirereklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na
nga ang tutugon dito, pero, masakit nga ho, may gana pa tayong hiritan ng
nagpamana?
Naalala ko rin po nang na-recover ng NBI ang isang banyagang bata na
nakidnap. Ang ganda na po sana: nakakuha ng tip ang awtoridad, kumilos sila, at
na-recover ang bata.
Masaya ang mga magulang na kapiling na muli nila ang kanilang anak;
masaya ang bata na kayakap niya ang kaniyang ama’t ina; masaya ang awtoridad na
maayos at matagumpay ang operasyon nila.
Mukhang ang hindi lang masaya, ito nga pong anchor natin na nagawa pa
uling humirit na baka raw na-set-up lang raw ang rescue operation, at binayaran
lang talaga ang ransom.
Kahit anong pilit ng reporter na malinaw ang operasyon,
nag-surveillance ang mga taga-NBI, at talagang natiyempuhan nilang walang
nakabantay sa bata, pilit pa rin po nang pilit ang anchor.
Sabi nga ho ng nanonood kong kasama, “Naman.”
Kami pa po mismo ang magagalak kung makakapaghain kayo ng kapirasong
ebidensya ukol dito, at kung mayroon nagkamali, usigin natin ang mga nagkamali.
May naitutulong po ba ang mga walang-basehang spekulasyon, lalo na
kung lumalabas ka sa telebisyon at sinusubaybayan ng sambayanan? Kung
nagbabangkaan lang tayo sa kanto, hindi problema ang mga walang-basehang
patutsada. Pero kung alam mong opinion-maker ka, alam mo rin dapat na mayroon
kang responsibilidad. Sana po, sa tuwing sasabihin nating, and I quote,
“magandang gabi, bayan,” ay totoong hinahangad nating maging maganda ang gabi
ng bayan.
May isa pa po: Ang pagtaas-baba po kasi ng pamasahe, dumadaan sa
mahabang proseso. Minabuti po nating makipag-ugnayan sa transport groups, sa
pangunguna po ni Secretary Mar Roxas, upang bumuo ng kasunduang makatuwiran.
Dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, malaki ang naging gastusin ng
mga tsuper sa pataas na pataas na presyo ng krudo, kaya oras na umabot ang
diesel sa napagkasunduang presyo, ibibigay sa kanila ang kanilang fare hike
para matulungan naman.
Ngunit sang-ayon sila na kapag bumalik ang presyo’t bumaba rin ang
presyo ng krudo, magkukusa rin silang ibaba ang pamasahe. 'Ika nila, imbes na
sumobra ang tubo, bilang Pilipino ay magmamalasakit kami sa kapwa Pilipino.
Ibinalita po ito ng field reporter ninyo. Good news po talaga: Ang
risonableng mungkahi, napagbigyan; ang pamahalaan, grupo ng tsuper,
nagtulungan. Panalo ang sambayanan.
Ang problema, nagawa pa rin itong sundutan ng komentaryo. Matapos
i-report, ang pambungad na tanong ng inyong anchor: Ano raw ba ang angal ng mga
grupo sa akin po. Ang reaksiyon ko, “Saan naman nanggaling ‘yun?”
Nagkasundo-sundo na tayong tugunan ang isang problema, mayroon pang
naghahanap ng angal.
Nagkakasundo na nga, para bang gusto pa ring pag-awayin.
Mahirap pong isipin na bahagi ito ng inyong job description. ‘Di po ba
kung umangat ang ating kalagayan, tayo ang panalo; at kung lumubog naman ito,
tayo rin naman ang talo? Bakit parang mas gusto ng iba na makita tayong
lumulubog?
Kung gabi-gabing bad news ang hapunan ni Juan dela Cruz, talaga namang
mangangayayat ang puso’t isip niya sa kawalan ng pag-asa.
Mayroon po kayong The Filipino Channel, kung saan napapanood ng mga
dayuhan at ng ating mga kababayan sa ibayong dagat ang mga balita sa Pilipinas.
Isipin po natin: bawat isang turistang bumibisita sa bansa tinatayang isang
trabaho ang naglilikha.
Ilang turista kaya kada buwan ang nagka-cancel ng bakasyon dahil sa
araw-araw na negatibismo? Ilan kayang kababayan ang nawawalan ng pagkakataong
magkaroon ng kabuhayan dahil sa bad news na ito?
Kung isa po kayo sa sampung milyon nating kababayan na nagsasakripisyo
sa ibayong-dagat, gaganahan kaya kayong bumalik dito kung mas nakakasindak pa
sa Shake, Rattle, and Roll ang balita sa telebisyon? Kailan pa po ba naging
masama ang pagpapahayag ng mabuting balita?
Sa pagpapatrol ninyo sa bawat sulok ng bansa, tiyak na may nadaratnan
kayong mga positibong kuwentong maaaring maging bukal ng inspirasyon at pag-asa
sa ating mga kababayan.
Hindi naman po siguro masusunog ang mga TV sets at radyo ng inyong mga
suki kung paminsan-minsan ito ang inyong ibalita. Hindi naman po siguro
kalabisang isipin na sa pagtaas ng iniluluwas nating coco water na mahigit
3,300 porsiyento ang inangat, may mahahagilap kayong isang magsasaka na
magsasabing, “Dati, itinatapon lang ito. Ngayon napapagkakitaan na namin.”
Sa mahigit tatlong milyong pamilyang benepisyaryo ngayon ng Pantawid
Pamilyang Pilipino Program, hindi naman po siguro mahirap maghanap ng isang
magsasabing, “Malaking tulong ang programang ito.”
Alalahanin po natin: Anumang sinasabi n’yo ay nakakaapekto sa pananaw
ng Pilipino—humuhubog sa kanyang mga kilos, sa pagtingin niya sa kanyang
sarili, sa kapwa, at sa bayan.
Kapag pinaniwala si Juan na panay pangit ang nangyayari sa lipunan,
talagang mawawalan siya ng dahilan para tumungo sa katuparan ng mga adhikain
niya. Pero kung nakikita niyang ang dating problema ay nasusulusyonan,
mag-aalab ang pag-asa, at magkakakompiyansa siyang sumulong dahil alam niyang
may pagbabago na.
Marami pa ba tayong problemang kailangang tugunan, at hindi po
magiging madaling lampasan ang mga ito, lalo na kung kaliwa’t kanan ang hilaw
na kuru-kuro at spekulasyon.
Sa akin na po mismo manggagaling: Marami pa ring butas ang dinatnan
nating sistema at hindi perpekto ang gobyerno, kaya’t kung may pagkukulang
kami, ipaalam lang po ninyo.
Parati ko pong ipinapaalala, sa ilang samahan na baka tumataas ang
ere: nag-uumpisa ang kaalaman sa pag-amin na hindi lahat ng kaalaman ay nasa
akin.
Ako na mismo ang aamin: wala kaming monopolyo sa husay at talino, at
hindi kami tama sa lahat ng sandali. Subalit hindi malulunasan ang mga problema
kung sa bawat isang hakbang pasulong natin, puro paatras naman ang hila ng
ilang gusto tayong ibalik sa dilim ng ating dinatnan.
Kung may paligsahan nga po sa pag-unawa’t pagtitimpi, malamang naman
po gold medalist na po tayo diyan. Bahagi po kasi ito ng trabaho natin. Bahagi
rin nito ang magsabi ng totoo, at sa gabing ito, inilahad ko lamang po ang
katotohanang nakikita ko.
Hindi ko hinihiling na kumatha kayo ng mga gawa-gawang kuwento o
pagandahin ang imahen ng gobyerno. Ang akin lang po, kung naibabalita ang mga
nagaganap na krimen at trahedya, ibalita rin naman po natin sana kung paano ito
naresolba. Kung inilalantad po natin ang kabulastugan, matuto naman din po sana
tayong kilalanin ang mga nagagawang kabutihan. At kung may maimumungkahi kayo
para lalo nating mapagbuti ang pagsisilbi sa bayan, kami po ay makikinig.
Ibalanse lamang natin.
Tandaan na natin sa bawat sulat, sa bawat ulat, ay nag-iiwan kayo ng
marka sa publiko, nakakaapekto kayo sa buhay ng kapwa Pilipino.
Ang pagkiling sa negatibismo ay mag-aatras lamang sa dapat sana’y
pag-usad na ng ating bayan at mga kapwa Pilipino.
Patuloy po tayong magsumikap upang iangat ang antas ng
propesyunalismo, integridad, at kredibilidad sa larangan ng paglilingkod-bayan;
patuloy nating isabuhay, bantayan at patingkarin ang ating demokrasya.
Bilang isang lahing Pilipino, sama-sama nating isatinig at ihayag ang
ating paninindigan: nandito na ang Pilipinas, tinatamasa na ng Pilipino ang
pagbabagong siya rin mismo ang gumawa.
Muli, at ako po’y pagpasensyahan ninyo kung masyadong prangka
nagsalita ngayong gabi. Maganda na ho siguro yung totoo ang sabihin para
magkaunawan tayo nang maliwanang.
Muli po, binabati ko ang TV Patrol sa inyong ika-25 kaarawan.
Maraming, maraming salamat po sa inyong paglilingkod sa bayan at more power po.
Magandang gabi po.