Friday, April 15, 2011

Lara Quigaman's Gown in Binibining Pilipinas 2011

Such a Very Controversial Issue in the Showbiz Today

Read more and be in! Know her tweets and let me know your insights... regarding her feelings on her being a Beauty Queen.

Source and Photo Credit: Abante Tonite

Lara, Nagpasilip ng Underwear?!

Nag-host din nu’ng gabing ‘yon si Miss International 2005 Precious Lara Quigaman na in fairness ay nagustuhan namin ang dalawang gowns na sinuot.

Eksenadora ang pulang Michael Cinco gown ni Lara dahil nang hawiin niya ito ay lumabas ang kanyang sparkly underwear.

Katerno ng nasabing gown ang pang-ilalim na ‘yon at sadya ‘yung ipinakita ni Lara, kaya lang ay medyo na­ging iba ang dating no’n sa iba.

May nagsabing tila ‘unbecoming’ of a beauty queen ang ginawang ‘yon ni Lara.

Okey lang daw na gawin ni Lara ang gimik na ‘yon kung awards night at dinaluhan niya at hindi pormal na beauty pageant.

Kung may mga hindi nagkagusto ay meron ding mga nataypan ang drama ni Lara that night dahil naging playful lang siya at nakeri niya ito na hindi bastos ang kanyang dating.

Naaliw kami sa paandar na ‘yon ni Lara at bet din namin ang kanyang green Francis Libiran gown na kitang-kita ang kurbada ng kanyang katawan.

Medyo nag-buckle-buckle din ang nobya ni Marco Alcaraz sa paghu-host pero pasable na siya para sa amin.

Very proud si Marco sa kanyang beauty queen girlfriend at nandu’n ang hunky actor sa Araneta para sumuporta.

Tweet ni Lara after ng pageant, “Yes, nabuyoy (nabulol) po ako but that doesn’t make me stupid or you any better than me.”

Sabi niya pa sa Twitter, “Finally, sarap humiga, magtanggal ng false eyelashes, hair extensions, make up, mabigat na earrings, masikip na gowns.

“Ang sarap kumain after two days of just fruits and a few pieces of M&M’s. Mahirap maging beauty queen, so give us a little credit.”

Tweets of Ms. Lara Quigaman - parang HINDI siya. Kinda disappointing. :-)


No comments: