Thursday, April 18, 2013

Open Letter for Janine Tugonon's Ex-Boyfriend

Medyo na-turn off at na-disappoint kaming mag-asawa kay Janine, Ms. Janine Mari Raymundo Tugonon... Here's why?!

It was my first time to watch Kris TV (no chance to do so because of work, classes) at sakto naman na bongga pa ang episode, naging viral. Well, two of the guests were Janine Tugonon and her bf, (turned ex-bf after their revelation of not in good terms or break-up on national TV) Jaypee Santos. While they were having chats (cooking Tinola), Janine told Kris that they're not in good terms. 

Watch here na lang so you could relate more... kasi mahabang kwento, saka mas bongga sa video.  Gigil mode.  :-)



Hubby and I began to be more interested so we paid more attention. When we saw her bf, di talaga kami makapaniwala. Gaya ng nasa open letter na naging viral sa social networking sites, masyado syang maganda para sa bf nya. Hubby even said "Wow, true love!" Oh well, not after seeing Janine telling stories (habang kinikilig at parang teenager kung umasta) about her and Danny (Daniel John Mark Luke O'Donoghue, The Script, lead vocalist). Honestly,  nakuha ni Jaypee Santos ang simpatya at loob ng mga nanonood. Even the hosts were on the side of Jaypee. Hindi katanggap-tanggap ang reasons ni Janine kung bakit sya nakipag-break, very illogical.

Well, here is another humor piece to ponder on...


Dear Ex ni Janine Tugonon,

Kamusta? Pare, nakikiramay ako kasi narinig ko sa balita na naghiwalay kayo ni Janine. Sayang, alam ko sa ngayon, masama pa rin siguro ang loob mo sa nangyari. Pero pards, may dadating din na mas maganda sa kaniya. Kung di man mas maganda, at least mas mabait sa kaniya. Pero mas okay pa rin sana kung mas maganda.

Noong naging 1st Runner up si Janine sa Ms. Universe, marami sa kaibigan kong lalaki ang naging crush siya, kasi syempre maganda na, matalino pa si Janine. May iba naman akong mga kaibigan na gusto maging katulad si Janine. Pero alam nila, kahit kailan hindi mangyayari iyon kasi mga lalaki din sila.

Noong ipinakilala sa buong mundo na ikaw ang boyfriend ng naging runner up sa Ms. Universe, aaminin ko, ang una kong naisip agad, akala ko, nag-hang ang telebisyon ko. Kasi nung nagintroduce na si Kuya Boy kung sino yung boyfriend ng naging 1st runner up, gumalaw pakaliwa yung camera at akala ko yung katabi mo yung boyfriend, e tumigil sa iyo ang camera, naisip ko, “ay, nag hang.” ....

... Noong ininterview kayo ni Ate Krissy noong isang araw, kilig na kilig pa si Janine habang kinikwento nya yung encounter nya kay script boy. Parang sure na sure na talaga siya ha na si Mr. Script ang future nya. Pero ang masakit dyan pare ko, katabi ka niya sa interview habang nag aala-kolehiyala ang ex mo in front of national TV. Hindi lang siya kinikilig. nanginginig na nga. Akala ko, kinumbulsyon na si Janine sa sobrang kilig. In front of National TV, pinagmukha kang tanga. Sumakit ang dibdib ko para sa iyo habang nakatayo kang pinagmumukha kang tanga sa harap ng milyones na nanonood. At itong si Ate Krissy, sariling lovelife nga niya wasak, ang kapal pang magtanong sa inyo. Kung ako sa iyo, sana nagwala ka bigla at sinambunutan mo na yung ex mo habang sumisigaw ng: “YOU DON’T DO THAT TO ME!!! YOU DON’T DO THAT TO ME!!!” Hashtag.


Click HERE for more fun lines in an open letter to the ex-bf of Janine... Happy reading!

Kudos, Mr. Aj Perez (Alwyne Jan C. Perez)! Isa ka pong henyo! Ang galing! Bigla akong naging avid reader ng blog mo. It's also nice to know na classmate/friend mo ang barkada ko na si Avegail Andres (I saw on FB).  :-) Cheers!


1 comment:

AJ Perez said...

Many thanks for appreciating the piece! I myself can't believe it went viral. Best wishes on your blog!