Wednesday, July 7, 2010

OUR WEDDING SLIDE SHOW STUDIO

FYI: Our wedding's original videos, photos, signature frames and other digital souvenirs were burnt by the fire incident last May 2009. SO, this is all I can do to somehow keep the moments alive. :)

I just cannot forget every moment of it - seems just like yesterday - oh how fast time flies. We'll always keep the love burning.

Now, we are blessed with our little bundle of joy, our little prince, Eieo. :) God has always been so good to us. With that, we will forever be overwhelmed, thankful and blessed - His Name is our refuge. He is our ultimate source of strength and inspiration.

Enjoy watching. :) Nawa'y kasama namin kayong kiligin. Makisaya, magmahal, magpasalamat, kasama namin. :)

video

This is OUR song...

Pag-ibig Lang...


Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal’wa ang dako ng landas nating dal’wa
Ika’y apoy, ako ay tubig
Duda ko’y iyong pananalig
Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba

Ako’y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika’y matapang kung saan ako duwag
Ang iyong huli ay aking una
Madali mo’y di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag
At pag tayo’y nag-uusap, parang lupa’t alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba, parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong

Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama’y masaya
May kaagapay o kaya, baka naman pag-ibig lang

At pag tayo’y nag-uusap, parang lupa’t alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Ang hindi ko mahagilap ang iyong laging nahahanap
Sa isa’t isa ang isa’t isa’y bugtong

Minsan tuloy nalilingat, natatangay
Sa piling mo’y wari lahat mayrong saysay
Paano mo maipaliwanag kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama’y masaya
May kaagapay o kaya, baka naman pag-ibig lang.


Tama, pag-ibig lang…
At dahil dyan, mahal din kita.


♥♥♥ Mommy Myraine ♥♥♥

No comments: