Saturday, July 17, 2010

Our Little Sweet Fantasy…

Ang Aking Kubo...

Ang Aking Kubo Sa Tabindagat
Dingding Ay Pawid, Bubong Ay Nipa
sa Palibot May Mga Halaman
at Bakod Na Gawang Kawayan.

Gayak Ng Kubo Ay Kalikasan
ang Kabukiran, Ang Buwan At Bituin
Pinapayungan Ng Punongkahoy
At Iniihipan Ng Sariwang Hangin.

Sa Aking Kubo'y May Paralumang
sa Aking Puso'y Nakalarawan
at Sa Pagtulog Ay Mayrong Rosas
na Niyayakap Ko't Hinahagkan.

Ang Aking Kubo'y Dalampasigang
sa Along Tulad Ko'y Inaasam-Asam
Kubong Kailanma'y Di Ko Ipagpapalit
sa Isang Palasyong Walang Pag-Ibig.

Ganyan Ang Kubo, Ganyan Ang Buhay
Minsa'y Tatawa Ka, Minsa'y Malulumbay
May Pagdiriwang, May Kalungkutan
Laging Nanunukso (Nangungutya) Ang Kapalaran.

May Mga Sandaling Mistulang (Akala Mo'y) Langit
ngunit Paggising Pala'y Panaginip
Kaya Kailangang Sa Gabi't Araw
Didiligin Ang Kubo Ng Pag-Ibig.

ang katahimikang pinangarap koSa Aking Kubo Tuwing Takipsilim
Lumang Gitara'y Aking Kapiling
Mga Awiting Di Malilimutan
Mga Harana At Mga Kundiman.

Ang Aking Kubong Pangkaraniwan
di Man Kastilyo Ngunit Paraiso
Kahit Na Mukhang Bahaybahayan
ang Aking Kubo'y Isang Tahanan
ganyan Ang Kubo...

Sa Aking Kubo'y May Paralumang...
kubong Kaylanma'y Di Ko Ipagpapalit
sa Isang Palasyong Walang Pag-Ibig.


Mahal Ko Kayo. Mahal Kita. At Masaya Ako sa Buhay na Mayroon Tayo.

♥♥♥ Myraine ♥♥♥